Paano ba talaga maging ama? Ang maipangako sa sarili at sa Diyos na ipagtatanggol ang pamilya sa lahat ng pagkakataon? Ang maging haligi nitong tahanan at panindigan ng buong puso at dugo ang pagmamahal sa pamilya?
~~
"Happy 10th Birthday to my loveliest daughter." pagbati ko sa aking nag-iisang anak. "Erica, lagi mong iisipin nandito lagi si daddy. Mamahalin kita sa bawat oras, at proprotektahan kita kahit anong mangyari. Sana lumaki kang good girl ha?"
"Opo Daddy!" masayang sagot niya. Parang ako ang niregaluhan dahil sa bawat ngiti niya ay isang alaala para sa kanya ang hindi namin malilimutan. Ang masasayang alaalang ito ay ang nagpapahaba ng buhay ko, kaya sana sa lahat ng segundo ay nakangiti lang ang aking pamilya. Ngunit magmumukha kaming clown kapag gano'n, kaya nandito ako, si Superman ng aking pamilya para protektahan sila at aalagaan.
"Love, ikaw din, aalagaan kita at paliligayahin sa anumang sandali." sabi ko sa mapagmahal kong asawa at niyakap ko siya.
"Uyy! Si Daddy at Mommy..." kantyawan ang mga tao at kilig na kilig si Erika.
"Erika, babantayan kita at gagabayan sa paglaki mo." sabi ko sa aking anak at haplos sa kanyang buhok at halik sa noo ang aking ibinigay sa kanya.
Mga alaala ko noong ika-sampung kaarawan ni Erika. Sobrang saya noon. Lalo na ang sayaw naming mag-iina, hinding-hindi ko ito malilimutan.
~~
"Erika! Aira! Gising!" paggising ko sa aking mag-ina. Nagising akong may masamang hanging dala sa aming tinutuluyan. Usok, ito ang nalalanghap ko at kung may usok, may apoy. Apoy na tumutupok sa unang palapag ng aming tahanan.
"Aira!" tawag ko sa aking asawa, at sa wakas nagising din. "Nasusunog ang bahay! Kunin mo si Erika at kumuha ng basang panyo, twalya o kahit anong tela!"
"Bakit nasunog? Anong nangyari?" balisang mga tanong niya, ramdam ko sa bawat bigkas niya ng salita ang takot at pagkabahala.
"Hindi ko alam. Basta. Aira, makinig ka sa'kin. Ako'ng bahala sa inyo ni Erika. Huwag kang mataranta. Hindi ko kayo pababayaan, poprotektahan ko kayo. Mahal na mahal ko kayo ni Erika."
"Salamat. Mahal na mahal din kita." pagkasabi nito ay pinuntahan namin si Erika. Dali-dali ko siyang binuhat dahil lumalaki na ang apoy.
"Daddy, anong nangyayari? Ba't ang daming usok? Ehem." pagtatanong ng isang inosenteng bata. Sa halip na sumagot ay itinago ko ang kanyang ulo sa pamamagitan ng aking katawan at tinahak ang daan palabas. "Daddy, ang init."
"Malapit na tayo." pagsagot ni Aira.
"Oo anak. Just close your eyes." sabi ko at hinalikan ko ang kanyang noo.
~~
If I could get another chance, another walk, another dance with him.
I'd play a song that would never ever end,
How I'd love love love, to dance with my father again.
~~
Kung maibabalik ko lang ang mga panahon na aking nasayang upang iparamdam sa aking pamilya kung gaano ko sila kamahal, at masabi sa kanila kung gaano sila kaimportante sakin.
Kung maibabalik ko lang ang mga ngiti nila at samahan sila sa bawat patak ng kanilang luha. Hahaplusin ko ang mga ito at papawiin ang kanilang lungkot.
Kung maibabalik ko lang, kung maibabalik ko lang ang aking buhay, gagawin ko ang lahat mapasaya lamang sila, maprotektahan, mapagsilbihan at mahalin ng buong puso. Pero ito'y 'di na maibabalik, hindi ko na madadama ang mga yakap at halik. Babantayan ko na lamang sila at pagdadasal na sila'y maging ligtas sa bawat sandali.
~~
If I could steal, one final glance, one final step, one final dance with him. I'd play a song that would never ever end,
'cause I'd love love love to dance with my father again.
~~
"Ryan!" napasigaw noon ang aking asawa nang makitang pabagsak sa amin ni Erika ang nasusunog na cabinet namin. Wala akong nagawa kundi lumingon. Akala ko'y katapusan na namin.
"Daddy, mabigat ang cabinet." wika ni Erika matapos idilat ang mata dahil sa kalabog.
"Umalis ka na diyan!" pasigaw na sabi ko. Bumagsak ang cabinet sa aking likuran upang protektahan si Erika. Masakit, mahapdi pero kailangan kong tiisin upang hindi masaktan si Erika.
"Daddy, mainit ya..."
"Alis na dyan!" pagputol ko sa salita ni Erika. "Aira! Kunin mo na si Erika at lumabas na kayo! Dali!"
"Pero..." alinlangang sabi ni Aira.
"Ano ba! Lumabas na kayo!" kasabay nito ay ang panlalambot na ng aking mga kamay.
"Babalikan kita. Hihingi ako ng tulong." maramdaming sabi ni Aira at pinunasan ang luha at tumakbo na palabas.
~~
Narito ako ngayon sa tabi ng aking mahal. Gusto kong lagi siyang nakikita at nababantayan. "Ilang taon na rin ang lumipas, walo na Ryan. Ngayon ang debut ni Erika. Sana ikaw ang kanyang first dance. Sana, kung nabuhay ka lang." muling bumagsak ang luha ni Aira. Gusto ko siyang yakapin, gusto kong punasan ang kanyang luha, gusto kong makasama uli ang dalawang natatanging babae sa buhay ko.
~~
"Daddy, kakamiss ka. Sana kasama kita ngayon. Gusto ko maulit ang mga sandaling ikaw ang kasayaw ko. Sana, dahil lagi ko itong napapanaginipan. Laging umiiyak si Mama mula noong mawala ka, Daddy nahihirapan siya na wala ka!" pagkasabi nito ay tumulo ang luha niya. "Salamat daddy, proud ako ikaw ang tatay ko. I love you daddy." pagsamo ni Erika.
Gusto ko mang bumalik ay hindi maaari. Alam kong mahirap pero kailangan niyong maging matatag. Masaya ako, sulit ang buhay ko sa pagligtas sa'yo Erika dahil lumaki kang napakabait, napakaganda at responsableng dalaga. Ikaw ang munti naming anghel, sana naririnig mo ako sa mga sinasabi ko. Mahal na mahal ko kayo.
_enD
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.