Tuesday, August 23, 2011

Nagugutom Ako

Inay anong iniluluto nyo?
Sinigang ba o adobo?
Nilaga ba o menudo?
Para naman mabusog ako.

Sinangag inyong lutuin,
ito'y aking papapakin,
Lagyan nyo ng bawang at sibuyas,
Pakpak ko'y papagaspas.

Tuyo o sardinas man,
Ito'y aking babanatan,
Upang hindi malipasan,
Ang tiyan kong walang laman.

Ang amoy ay mabango,
Busog ang ilong na pango,
Malapit nang maisubo,
Paborito kong adobo.

Eto na't ihahain,
Paborito kong pagkain,
Tayo na't kumain,
Para di ko kayo inggitin.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.