Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sayo sa pagtulong mo sakin sa bawat problema. Alam naman natin na ang problema ko lang lagi ay Math. Kaya naging close tayo diba? Lagi ako humihingi ng tulong sayo. Pero nang makilala ko si Elle, nagbago ang lahat. Nagkaproblema ako paano sya kakausapin, kung kasya ba ang baon ko pag ililibre ko sya, at kung may oras ako pag kailangan nya ako. At saka noong kashare ko sya sa pag gamit sayo kasi di nya dala calculator nya, yung sweetheart mo.
Natatandaan mo ba noon hindi ako mapakali para mahanap ang letrang U sayo. Bakit ba letra ang hanap ko eh diba calculator ka? Eng-eng ko no? Gusto ko lang naman sabihin sa kanya na 'Cu+e xA'. Ayun, dinaan ko nalang sa mga smiley, si ^-^ at si 8- ). Tuwang tuwa sya noon diba? Di na nga kami nakinig kay Prof. palitan nalang kami ng smiley na kayang gawin sayo. Hanggang gumawa ako ng paraan para masabi ko na cute sya gamit ka. Napagalitan kami nang napalakas ang tawa nya nang mabasa ang tinype ko, 'CY0+ M0'.
Sorry pala kapag nababagsak kita, ginugulat nya kasi ako eh. Ok ka pa naman diba? Napakamasayahin nya, ngiti lang nya eclipse ko na. Sana lagi nalang syang masaya at nakangiti, at baka makalimutan na kita pulutin pag nabagsak kita uli. Uy bestpren calculator, biro lang yun. Di kita kakalimutan.
Tandang tanda ko pa noong tinanong ko number nya, nakaready ang bolpen ko at papel na pinirat sa notebook ng katabi ko. Nagtaka pa ako, ikaw ang kinuha nya, sayo niya ipinagkatiwala ang number niya bestpren. Napa-YES nalang ako sa saya.
Kaya lang graduate na kami, maghihiwalay na ng landas. Di ko man sya matext gamit ang bespren kong calculator, matetext ko sya gamit ang aking cellular phone.
Huwag ka na magtampo bespren, engineering ang kukunin kong kurso. Bespren kita eh, ikaw ang makakasama ko habambuhay. Sayo nakasalalay ang kinabukasan ko. Huwag mo ako bibiguin ah? Bespren kita, alam mo lahat ng problema ko at lovelife ko. Salamat bespren, ikaw ang alaala ng sipag at tiyaga ko. Ikaw din ang magiging alaala ng pag-ibig ko. Bihira lang makahanap ng tunay na kaibigan na kagaya mo. Magsasama tayo habambuhay. Tandem tayo. Pakners!
Nagmamahal,
Engineer.
PS.
tulungan mo din ako sa Algebra!
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.