Part 8
Dadalhin na sana ni Turleng sa ospital si Rina nang magising ito. Pero ang wierd ng kinikilos nya, “hatid mo nalang ako pauwi.” ani Rina, halatang hindi si Rina ang nagsalita dahil napakagalang nito kaninang kausap sya ng pulis.
“Sige. Ok ka lang ba?” pag-aalalang tanong ni Turleng.
“Oo.” ikling sagot ni Rina.
Nakarating na sila sa bahay nina Rina, pinagbuksan ni Turleng si Rina ng pinto ng kotse.
Nakayuko itong bumaba, “makakaalis ka na.” ani Rina.
“Sige ho, ma’am. Una na ho ako. Ingat kayo.” sagot nalang ng pulis kahit takang taka ito sa kinikilos ng dalaga.
Pinaandar na ni Turleng ang kotse, nang makalayo ay tumitingin parin sya kay Rina sa side mirror nito hanggang mawala sa paningin ang dalaga.
Pumara naman ng jeep si Rina habang bumubulong, “hindi ko naman bahay ito eh..” habang sumasakay ng jeep.
Nakayuko lamang si Rina, tinitignan sya ng mga kapwa pasahero pati ng driver. Hindi pa kasi sya nagbabayad.
Bumaba sya sa tapat ng burol ni Shane. Parang zombie sya kung maglakad. Ginagamit ni Shane ang katawan ni Rina!
Nakita nito ang inang si Cely. Gamit ang katawan ni Rina, unti unti itong lumapit sa ina. Nangingilid ang luha, “Ma, sorry naging pasaway ako sa inyo.. Sorry inay..” tuluyan ng lumuha si Shane.
Marahil ay naguguluhan, pero naaninag ni Cely ang mukha ni Shane nang hawakan nito ang buhok ng dalaga. “Anak.. Bakit mo kami iniwan?..! Anak ko…!” humagulgol si Cely. Agad naman syang nilapitan ng kaagapay na asawa. “Tahan na..” ani Berto.
Nilapitan si Berto ni Rina, niyakap din ito, “Pa, sorry…” mukha din ni Shane ang nakikita ni Berto sa katauhan ni Rina. Matapang nyang kinausap nito, “Shane, kung ikaw yan. Huwag ka mag-alala, aalagaan ko Mama mo. Basta babantayan mo kami lagi.” maluha luhang sabi ni Berto. Nakatingin lamang ang mga bisita sa lamay sa napakadramang tagpo.
Inabot ni Rina ang bracelet sa kanyang ama. Nang maayos na naibigay ang bracelet, hinalikan ni Berto ang bracelet at alam nya na pagmamay-ari iyon ni Shane. Inabot ni Berto kay Cely, at niyakap nito ang bracelet at umiyak. Maya-maya ay tumayo ito, lumapit sa kabaong, dito inilapag niya ang bracelet. Tanda na handa na silang mahiwalay kay Shane.
May bakas ng ngiti sa labi ni Rina. Nang bigla nalang itong hinimatay. Binuhat ni Berto si Rina at ihiniga sa sofa, pinaypayan ito ni Cely.
“Tubig! Pahingi ng tubig!” sigaw ni Berto.
Tumakbo naman si Badong, na nandoon sa lamay, para kumuha ng tubig. Bumalik sya na may dalang isang basong tubig, pero ininom nya. “Hoy! Bwiset! Kumuha ka para ipainom dito sa dalaga!” galit na sigaw ni Berto.
Ayun si Cely nalang ang kumuha, tapos inabot kay Badong, “Akin na yan! Wag mo ng inumin!”
Iniangat ni Rina ang ulo nya senyales na nagkamalay na uli sya, “Nasaan ako?” tanong agad nito.
“Heto iha tubig. Inom ka muna.” sumisip ito sa tubig. “Nandito ka sa amin. Sa lamay ni Shane.” patuloy ni Berto sa paliwanag.
“Ganon ho ba. Pasensya na ho kayo.” paumanhin ni Rina.
“Wala yon.” sagot ni Cely. “Pahinga ka na.” ani Berto.
Nagkaintindihan na sila dahil alam nilang lahat na gusto nang magpaalam ni Shane. Walang may gustong mangyari sa mga naganap. Marahil may plano ang Maykapal sa pamilya ni Cely. At ganon din sa magiging hinaharap pa ni Rina.
Sabi nga ni Sheen sa Jimmy Neutron, “Bakit unang namamatay ang mababait…??”
»
Hingal na hingal sa pagtakbo si Patrick nang mapansing napatigil sya sa mismong crime scene. Wala nang tao doon, police line lamang ang makikitang palatandaan na may nangyaring krimen dito. Dumidilim na rin sa mga sandaling yon, nang makita nya ang kubo na saksi sa krimeng naganap.
Nakarinig si Patrick ng sigaw ng babae sa loob ng kubo, sigaw na humihingi ng tulong. Dahan-dahan syang dumungaw sa bintana….
…pero wala siyang nakita na anumang bakas ng buhay sa loob ng kubo. Muli, isang sigaw ng sakit ang kanyang narinig. Tumakbo si Patrick sa pinto at pabiglang binuksan ito. Ngunit wala talagang tao sa loob.
Tinangka nyang isara ang pinto ng kubo, pero may mga impit na ungol ang kanyang narinig. Ungol ng isang babae, ungol na may halong sakit, lungkot at luha.
Pagtalikod niya, laking gulat nang makita ang duguang mukha ni Shane na halos dumikit na sa mukha nya sa lapit.
Limang segundo bago sya magreact, napatumba siya at paatras na lumalayo sa kaluluwang mapaghiganti.
Nakakapagtaka pero biglang tumahimik ang paligid. Maya-maya ay mga yabag ng tumatakbo ang kanyang narinig, parang kapareho ng nangyari sa krimen.
Madaling nagtatakbo si Patrick palabas ng kubo. Madilim na ang paligid, “Takbo lang.. Takbo!!” wika ng boses na lalong nagpatakot kay Patrick.
Nababaliw na ata sya. “Lumayo ka! Huwag kang lalapit! Lubayan mo ako!!” sigaw ni Patrick.
Nang isang bato ang tumama sa kanyang ulo na dahilan para matumba siya. Pero pagbagsak nya, una ang mukha nya sa isang nakatusok na stick na tumusok mula sa kanyang noo tagos sa bungo nito. “Aaaaaahhhh….” sigaw ni Patrick at nagawa pang tumihaya pero bumulaga nalang sa kanya si Shane. Puno ng paghihiganti ang mga mata.
“Mamatay ka! Mamatay kang naghihirap!!” diin ni Shane dito.
Dahan-dahan muna nitong dinurog ang bawat daliri sa paa at kamay ni Patrick gamit ang isang malaking bato na ipinupukpok sa bawat daliri. Bawat pukpok ay gusto nang mamatay ni Patrick hanggang sa ang huling pukpok ay sa mismong ari nya. Nawalan nalang ng malay si Patrick.
Unti-unti itong naubusan ng dugo. Unti-unti siyang nanghina. Unti-unting namatay.
Kinaumagahan, natagpuan ang bangkay ni Patrick S. Taruc na nakasabit sa isang puno, may piraso ng kahoy sa noo, durog ang bawat daliri, duguan ang ari. Patay!
»
Nilibing si Shane limang araw matapos ng kanyang pagkamatay. Katabi ng kanyang kakambal, si Shine.
“Magkasama na sila ngayon Cely.” maluha luhang sabi ni Berto. Pagkahagis ng puting rosas sa hukay ni Shane.
Lalo namang humagulgol ng iyak si Cely matapos marinig ito mula kay Berto. Madalang din kasi magpakita sa kanya si Shine. Binabantayan sila. “Berto..” tawag ni Cely sa asawa habang umiiyak.
“Noong gabi bago mamatay si Shane, nakita ko si Shine.” patuloy nito.
“Malamang sinundo na sya ni Shine. Wirdo rin kumilos nitong nakaraang araw si Shane. Baka nakikita rin nya.” paliwanag ni Berto at niyakap ang asawa..
Nang maiwan ang mag-asawa,
At mga trabahador ng purinarya.
Umawit ang hangin,
Parang nalungkot at nakiramay din.
Bawat pag-ihip,
Parang plawta sa pandinig,
Liwanag sa ulap ay sumilip,
Bagong simula siyang pahiwatig.
BOW..xD
»>
Paglipas ng ilang taon..
“Itay! Itay! Muntik ho ako matuklaw ng ahas.” sumbong ng umiiyak na bata.
“Bata ka, saan ka ba galing?” alalang tanong ni Berto.
Pero hinila siya ng bata papunta sa talahiban. Medyo malayo sa kanilang tirahan. “Dito ho itay.” masaya nang tugon ng bata. “Alam nyo tay, iniligtas ako ng magandang babae. Ang ganda ganda nya tapos ang tapang tapang pa para iligtas ako sa ahas. Tay balang araw, magiging matapang, mabait at gwapo ako kagaya ng ate na nagligtas sakin. Hindi na ako matatakot sa ahas. Hayiyahh!! ” wika ng bata habang pumoporma ng Power Rangers.
Gulat naman si Berto sa nakikita, ito ang lugar kung saan namatay ang panganay na anak. “Ah.. Alvin, anak. Ano daw pangalan ng nagligtas sayo? Para mapasalamatan natin..” ani Berto sa anak.
“Shane daw ho itay. Pero nagpa thank you na po ako sa kanya. Sabi nya po, mag-iingat ako lagi.” wika ni Alvin habang kumakaway sa isang babae sa di kalayuan. Hindi. Dalawang babae.
“Salamat.”
[tHE enD]
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.