Thursday, September 01, 2011

Malungkot na Kasalukuyan


Kamusta ka na?
Naaalala mo pa ba,
Mga araw na napakaligaya,
Noong tayo pa ang magkasama.

Mga pikunan at biruan,
Mga away at patawaran,
Mga pagsubok na dinaanan,
Ngunit lahat ay kinalimutan.

Ika'y biglang nawala,
Ating mga pangako'y nabalewala,
Tuwing ako'y nag-iisa,
Mukha mo aking nakikita.

Mahigpit ang aking kapit sa duyan,
Nang makita kang dumadaan,
May kasama kang iba,
Napakaganda pa ng iyong tawa.

Bakit ka pa sumulpot?
Ngayon puso ko'y napakalungkot,
Kailan kaya magigising sa bangungot,
Ang mukha kong permanente nang nakasimangot.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.