Saturday, September 28, 2013

Her

I wanna see her smile,
I wanna see her laugh,
I wanna see her face,
I wanna see her now.

I wanna kiss her lips,
I wanna stare in her eyes,
I wanna brush her hair,
I wanna see her now.

I wanna hold her hand,
I wanna poke her toes,
I wanna pinch her cheeks,
I wanna see her now.

I want her emotions,
I want her actions,
I want her attention,
I want her now.

I wanna express my heart,
I wanna cry out loud,
I wanna tear myself,
All I want is her right now.

Tuesday, September 17, 2013

Mind And Now


"May isang batng nakatira sa isa sa mga bahay sa Zamboanga City ang nagdadasal matapos lang kumain. Nagpasalamat siya sa mga taong tumutulong sa kapwa nila, pinagdasal niya ang kaligtasan ng kanyang pamilya at ng mga sundalo, at pinanalangin na magiging maayos din ang lahat. Dinig niya ang putok ng mga baril, ang amoy ng usok sa malapit na bahay na sinunog at kita ng mga inusente niyang mga mata ang mga iba't-ibang kalibre ng baril at mga sundalo. Nagpasya ang kanyang magulang na lumipat sa evacuation center para na rin sa kanilang kaligtasan. Tinahak nila ang daan patungo sa mga sundalo at nang makita sila ay agad silang kinoberan. Alam ng mga sundalo na ang daang iyon ay target area ng mga rebeldeng grupo kaya pinatakbo nila ng mabilis ang pamilya kasabay ng kanilang pagyuko upang hindi matamaan ng bala.

Hindi nga nagkamali ang mga sundalo. Pinaputukan sila ng mga rebelde, madapa-dapa nang hinila ng ama ang batang lalake habang ang kanyang asawa ay kanyang yakap upang protektahan. Hawak ang kanilang natitirang damit sa maliit na bag at ang konting de lata ay susuungin nila ang daan papunta sa kanilang kaligtasan. Walang kaalam-alam kung saan pupunta ang bata, basta na lamang siya sumusunod kung saan siya hilain ng kanyang mga magulang. Kapag narinig nila ang mga putok ng baril ay agad silang dadapa. Minsan pa ay papasukin nila ang mga kanal para lang hindi matamaan. Ang hirap na ito ay isang sugal ng kanilang buhay. Kung hindi sila lilikas ay aabutan sila ng mga rebelde at maaari pang gawing pananggalang ng mga ito na maaari nilang ikamatay.

Matapos ang ilang dapa at takbo ay naabot nila ang evacuation center. Puno na ito kaya kumuha na lang sila ng pwesto sa malapit sa pinto upang hindi na rin makisiksik sa iba. Pagod, takot at gutom ang naramdaman nila pero walang kaunting pagsuko ang kanilang naisip. Binuksan ng bata ang kanyang kendi. Lumuhod at pumikit.

Lord, sana po maging ligtas po lahat ng mababait na tao. Sana po mabigyan ng pagkain ang mga nagugutom. Sana po makauwi kami agad sa bahay namin. Lord, patawarin niyo po sila sa mga maling ginagawa nila. Sabi po ni tatay, may dahilan ang lahat ng tao sa paggawa ng masama. Lord, please, itama niyo po ang mga mali nila. Sana po-

Ito ang mga huling salita na nanggaling sa puso ng bata bago tamaan ng ligaw na bala sa ulo. Ang evacuation center na inaakala nilang magliligtas sa kanila sa kapahamakan ay hindi pa pala gano'n kaligtas. Dead on the spot ang bata."



Friday, September 13, 2013

Secret


We live two different lives just like two lines that never cross.

Kanina pa ako naiiputan ng ibon dito sa park kung saan tayo unang nagkita. Pilit na hinihintay kang bumalik dito at nagbabaka-sakaling mapadaan ka man lang. Alam kong minsan lang tayo nagkita pero ang buong araw na pinagsamahan natin ay alam kong tumatak sa puso mo. `Yung Magnum Ice Cream na natapon dahil sa paghila ko sa'yo upang magdikit ang katawan natin. Nagpapaturo ka kasing sumayaw sa akin. Niyaya kita kahit alam kong wala namang tugtog dahil akala ko iyon na lang ang pagkakataon na makikita kita kaya nagulat ka nang hilain kita at hinapit sa baywang mo. Hindi pa nabubura sa alaala ko ang ngiti mo, `di gaya ng bakas ng paa natin dito sa buhanginan ay nabura na.