Friday, September 13, 2013

Secret


We live two different lives just like two lines that never cross.

Kanina pa ako naiiputan ng ibon dito sa park kung saan tayo unang nagkita. Pilit na hinihintay kang bumalik dito at nagbabaka-sakaling mapadaan ka man lang. Alam kong minsan lang tayo nagkita pero ang buong araw na pinagsamahan natin ay alam kong tumatak sa puso mo. `Yung Magnum Ice Cream na natapon dahil sa paghila ko sa'yo upang magdikit ang katawan natin. Nagpapaturo ka kasing sumayaw sa akin. Niyaya kita kahit alam kong wala namang tugtog dahil akala ko iyon na lang ang pagkakataon na makikita kita kaya nagulat ka nang hilain kita at hinapit sa baywang mo. Hindi pa nabubura sa alaala ko ang ngiti mo, `di gaya ng bakas ng paa natin dito sa buhanginan ay nabura na.


And here we are together standing closer than we are. But we're still standing here, untouched. Too scared to make a move.

Akalain mo nga naman umuulan na nang dumating ka. Sa totoo lang hindi ko talaga inexpect na makikita kita pagkatapos ng mga araw na palihim tayong nagkikita. Hindi man lang ako makasilong diyan sa payong mo. Napangiti na lang ako dahil sobrang lapit mo na, gaya ng dati. Minsan ka lang lumayo hindi ka na bumalik. Kung may lakas ng loob lang ako para hapitin kang muli sa bisig ko, sana ginawa ko na. Pero wala akong nabiling kumpyansa kanina bago ako pumunta rito kaya pasensya na kailangan ganito muna tayo. 

We want so much to touch, we can wait forever. We know it's dangerous for us to be together.

Gustung-gusto kitang yakapin. Hagkan. Pero ang tanging nagagawa ko lang ay titigan ang mga labi mo. Alam kong kaya mong maintindihan ang mga matang ito. Ilang taon na rin akong hindi umuuwi, umaasang pagbalik ko, tayo naman. Hindi ako makakapaghintay ng isa o lima pang taon para lang maramdaman ang pagmamahal mo. Sobrang nangulila ako. Hindi sa yakap mo, hindi sa mga halik mo at lalong hindi sa paghampas mo sa balikat ko. Namimiss ko ang ngiti mo na nagpapatulala sa akin. Namimiss ko ang pagtingin mo ng patagilid na nagpapalingon sa akin. Namimiss ko ang jokes mo, hindi dahil corny kundi dahil ito ang mga alaalang gusto kong bumalik na.

I watch you coming to me, walking in the pouring rain.

Nagpatuloy ka sa paglalakad at wala akong imik dahil hindi ako dapat gumawa ng kahit anong reaksyon. Alam kong basa na ako, ramdam ko ang lamig ng tubig at hangin na dumadampi sa balat ko. Pangarap ko na lang ba na maramdaman ang init ng yakap mo? Halata ba ang mga luha sa mga mata ko? Ito lang ang hindi ko mapigilang reaksyon eh. Pasensya na.

I can't help looking at you, wishing I could stay away.

Kahit na linagpasan mo lang din ako hindi ko mapigilang hindi ka lingunin. Pinapalangin ko na lingunin mo rin ako pero naghihintay ako sa wala. Parang kumunoy ang inaapakan ko dahil unti-unti akong nilalamon ng lupa dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko, hindi ko maialis ang paa ko dahil gusto kong dito lang ako habang nakikita pa kita. Dahil kapag lumayo akong muli, hindi na ako umaasang makikita pa kita.

So many times I've tried in vain. To close my eyes and pray.

Bar. Beer. Babae. Buwisit! Kahit anong bisyo ko ikaw pa rin ang pinakakinalokohan ko! Huli akong nagdasal noong namatay si Mama pero gagawin ko uli baka sakaling ako naman ang mapagbigyan. Pwede bang ibalik ang panahon? Gawin ulap muli ang ulan at gawin itlog muli ang piritong manok? Kung pwede sana hindi na lang namatay si Mama, sana hindi na kita nakilala.

It goes away well I can't stop myself from feeling. To let you go, would be too much for me to take.

Walang taong walang pakiramdam. Pero sa pagpaparaya at sa paglayo ko ay naranasan kong maging mandhid. Isa lang ang pakiramdam ang hindi ko naialis, ito ay ang pagmamahal sa' yo. Ang pagpukpok ng bote sa ulo ay hindi ko naramdaman, ang sampal ng iba' t-ibang babae ay hindi ko naramdaman, at siguro pati kamatayan ay hindi ko mararamdaman pero hindi ko kaya. Ikaw lang ang makakapatay sa akin.

I can't help thinking, when I look into your eyes. How much I need you, its so hard to hide.

Hindi ako marunong ng self defense o kahit anong martial arts kaya hindi na lang ako gagalaw. Ayoko ng sakitan at ayokong makita mo akong bugbog sarado ng tatay ko dahil hindi rin naman ako lalaban. Ako ang wala sa posisyon. Pero alam mo? Mas masakit pa dito sa puso ko ang nararamdaman ko kaysa ang mabugbog at matanggalan ng isang ngipin. Uulitin ko, halata ba ang mga luha na pumapatak sa mga mata ko kasabay ng pag-ulan?

How do ever keep this secret? How do we keep it in the dark? And if we dare to taste our weakness, how do we tear ourselves apart? Why do we keep this love together? Didn't we know right from the start? That we would have to keep this secret, or forever stay apart.

Bakit ba kasi natin kailangang itago ang pagmamahalan natin? Nauna man kayong nagkakilala pero nauna tayong nagmahalan. Oo nga't ama ko siya pero bakit ako ang kailangan magparaya? Bakit pa natin itatago kung nakikita ko naman sa mata mo ang pangungulila sa akin? Bakit pinili mong itago ang mas magapapasaya sa'yong pagmamahalan natin? Bakit mo piniling mapalayo tayo ng tuluyan sa isa' t-isa? Bakit ka nagpakasal sa kanya? Ngayon kailangan natin itago ito habambuhay upang makapiling lang kita. Upang hindi na ako lumayo. Kakayanin ko kaya nang hindi nagkakagulo?

~enD
Inspired by the song "Secret by Heart"

4 comments:

  1. Aw.. Ang hard naman nito trops.. :/
    Maganda.. Pero ang hard..

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang sarap sa puso...ramdam ko talagang may puso ako..hehe

      Delete
  2. Wow... secret :D :D :D
    -quickter

    ReplyDelete

Note: Only a member of this blog may post a comment.