"I have no special talent. I am only passionately curious. - Albert Einstein"
Saturday, April 20, 2013
Umuuga Ang Kama 13
Ang maikling nobelang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salitang sekswal, horror at mga tagpong hindi angkop sa mga batang magbabasa. Striktong patnubay ng magulang ang kailangan (kung marunong sila magfacebook ay kailangan niyo muna silang turuan at ipalike ang page na ito). Sana'y ang positive thoughts ang makuha niyo sa akdang ito at hindi ang mga hindi na dapat ginagaya pa. Ang mga pangalan, lugar o ang mismong kwento ay kathang-isip lamang, kung may pagkakapareho sa inyo o sa storyang ito ay hindi sinasadya. Salamat po sa magbabasa.
Chapter 13
"Ma'am, wala na raw po siya. May pinapasabi raw sa inyo, bisitahin niyo raw ang bahay niya paggising ni Anjo. Yun lang po." pagkasabi nito ay lumabas na ang nurse sa sobrang takot. "Ano ba itong mga pasyente ko? Ano bang nangyayari sakin ngayon." sabi pa nito pagkasara ng pinto.
Nagkatotoo nga ang hinala ni Benjie, mismong araw na 'yon ay namatay siya. Sila na nga ba ang kasunod? Kung ganoon paano niya iingatan si Anjo habang hindi pa ito nagigising? Tulala pa siya sa pagkabigla sa balitang narinig nang biglang gumalaw ang mga daliri ni Anjo. Hindi pa niya iyon napansin noong una pero nang makarinig siya ng ungol ay natauhan siya bigla. Napatingin siya kay Anjo at kumpirmadong sa kanya nga galing ang ungol.
Lingid sa kaalaman ng lahat, habang natutulog si Anjo ay may sarili siya pakikipagsapalaran sa kanyang buhay. Ang alam ni Anjo ay gising na siya pero parang iba ang lahat. Nasa isang lugar siya na parang hindi pa niya napupuntahan. Isang napakagandang lugar kung saan luntian ang kulay ng damo at ng paligid, sobrang nakakarelax ang tanawin. Hangin na himahaplos sa kanyang pisngi at parang hinahawi ang kanyang buhok sa bawat ihip nito. Saktong init ng araw at mga ulap na nagpapakita sa kanya ng kagandahan ng langit. Ito ang pangarap na mapuntahan ni Anjo, isang preskong lugar upang magrelax.
"Sana nandito si Arianne kasama ko." sabi na lang niya bigla. Napaigtad siya sa pagkakahiga nang maalala si Arianne. "Nasaan na ba ako? Hindi ito ang iniwan kong mundo."
Ilang oras o araw na rin, hindi niya alam kung gaano katagal na siyang nagrerelax sa lugar na iyon. "Anjo..." boses ni Arianne. "Anjo..." bawat paghangos ni Arianne ay naririnig ni Anjo sa kung saang sa lugar. Pilit niyang hinanap ito, pilit sinundan ang boses ni Arianne. Lakad siya ng lakad, takbo ng takbo pero hindi siya napapalapit sa boses.
Hindi siya nakakaramdam ng pagod. Hindi rin siya nakakaramdam ng gutom o antok kahit na ilang oras na siyang tulog kasama si Arianne pero sa kanyang isip tumatakbo siya ng walang humpay. Malamang kapag sumagad na ang pagod ng kanyang isip ay bibigay na ito kahit na ang kaluluwa niya ay hindi nakakaramdam ng pagod.
Lumingon si Anjo pero hindi na niya makita ang pinanggalingan niya. Ngayon parang nasa isang mundo ulit siya, madilim at masukal na gubat. Inangat niya ang paa niya pero parang napakabigat nito. Maya-maya ay gumalaw ang kanyang tinatapakan at unti-unti siyang nilalamon nito. Isang kumunoy na sa bawat galaw niya ay lalo lamang siyang nababaon papaloob dito. Hindi na niya alam ang gagawin.
Bigla na lamang bumilis ang paglamon sa kanya ng lupa at parang nakaramdam siya ng mabigat na bagay na pumatong sa kanyang ulo.
"Aaaaaaaaahhhh!!!" sigaw ni Anjo at nagpupumiglas ito. Niyakap ni Arianne si Anjo at pilit inililipat ni Arianne ang kanyang lakas dito kahit na alam niyang imposible. Pilit pa rin niyang ipinadarama kay Anjo ang kanyang pag-aalala at ang pagmamahal, parang pinapadalhan niya ng mensahe si Anjo na "Maghihintay ako, basta bumalik ka."
"Aaaaaaaaahhhh!!!" sigaw ni Anjo habang pilit inaabot ang kung anong bagay sa kanyang ulo. Pagkahawak niya rito ay naramdaman niya agad na isa itong paa ng tao.
"Kailangan mo ng mamatay." sabi ng boses. Boses ito ng babae. Gusto niyang tumingala pero hindi niya magawa. Gusto niyang makita ang mukha ng taong pilit siyang dinadala sa kamatayan. Pilit niyang iniisip si Arianne.
"Kailangan kong makabalik kay Arianne." sabi niya at pilit inangat ang kamay na parang may inaabot. Lumubog na ang kanyang katawan at ulo, ngayo'y kamay na lamang ang kita sa kanya mula sa lupa nang may isang kamay ang kumapit sa kanyang kamay at hinila siya palabas.
>
"Anjo... Naririnig mo ba ako?" sunud-sunod ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata habang mabagal ang pagdilat naman ng mga mata ni Anjo. "Sa wakas naman at gising ka na." paghangos ni Arianne. Hindi niya alam kung paano yayakapin ng mahigpit ang nobyo dahil baka muli itong mahimatay.
Ngumiti lang si Anjo, "Hi hon." Sobrang saya niya ngayon, gusto niyang muling maramdaman ang pagmamahal ni Anjo. Ngunit sa ngayon ay kailangan muna nilang mag-usap, wala na silang oras pagyakapan at maglampungan.
"Hon, hindi mo lang alam kung gaano kahirap ang maghintay habang nakikita kang nakahiga diyan na hindi ko alam kung magigising ka pa ba. Sobrang nag-alala ako sa'yo." sabi ni Arianne sa bisig ni Anjo habang patuloy ang pag-ulan ng luha. Hinalikan niya si Anjo at halos maubos ang lahat bagay sa mundo wag lang ang oras na magkasama sila ngayon.
"Hon, hindi mo lang alam kung gaano kahirap ang makita kang wala sa tabi ko at hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako. Sobrang lungkot ang nararamdaman ko." sabi naman ni Anjo saka niya napansin na nakabenda pala ang kanyang kaliwang kamay at paa.
"Si Benjie..." biglang wika ni Arianne at kita sa kanyang mga mata na luluha ito.
"May nangyari ba habang tulog ako?" wika ni Anjo.
"Wala na si Benjie, patay na siya." pagkasabi nito ay tumulo na ang luha niya. "Sabi niya puntahan natin ang bahay niya pag nagising ka na bago man lang siya mamatay."
"Sinabi niya ba iyon?" pagmamadaling sagot ni Anjo.
Tumango lang si Arianne.
"Kailangan makatakas tayo dito. Malaki ang hinala ko na si Benjie ang nagligtas sa'kin at sigurado ako na may importante siyang ipapahiwatig sa'tin sa bahay nila. Hindi masasayang ang pagkamatay mo Benjie, patatahimikin namin si Marielle." sabi ni Anjo.
"Teka, ano bang kinalaman mo kay Marielle?" may konting selos na tanong ni Arianne.
"Saka ko na ipapaliwanag. Kailangan nating gumawa ng paraan." akmang babangon si Anjo.
Pinigilan naman siya ni Arianne. "Ano ka ba? Kagigising mo lang at ngayon gusto mo nanamang ipahamak ang sarili mo? Tapos gusto mong pumayag ako sa plano mo na hindi ko man lang nalalaman?"
"Kapag sinabi ni Benjie, importante lalo na't binuwis niya ang buhay niya para lang masabi sa'yo `yon. Hindi ka ba nagtataka kung bakit sa huling hininga niya `yun ang sinabi niya? Magtiwala ka lang muna. Anong oras na ba?"
Nagulat si Arianne sa oras, "11 pm." napatigil siya habang mabagal na sinasabi ang oras. Naalala niya ang sinabi ni Benjie. Baka sila na ang susunod. Kapag pumalo sa alas-dose ang oras ay bagong araw na kaya maaaring dito na magsisimula ang kanilang pagsubok. Sila na nga ba ang susunod? Kung gano'n wala ng oras.
>
"Ugh!"
"Pasensya na." bulong ni Arianne sa nurse at kunuha ang uniform nito. Nagpalit si Arianne ng damit at hindi maalis ang mga mata ni Anjo dito. "Huy!"
"A-e-hanap mo ako ng wheel chair. `Di ako makakatakas ng ganito."
"Sige akong bahala." sabi niya matapos takpan ng kumot ang nurse.
Wala pang dalawang minuto ay nakabalik na si Arianne na may dalang wheelchair at surgical mask. Pasimple nilang tinahak ang pasilyo patungo sa elevator. Bago pa magsara ito ay nakita nilang dalawa ang babae, si Marielle, mabagal na dumaan sa harap ng elevator at nanlilisik ang mata na nakatingin sa kanila.
~itutuloy
Power of love! ^_^ Ang korni ko na. LOL
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.