"I have no special talent. I am only passionately curious. - Albert Einstein"
Monday, January 20, 2014
Past Episode
Before and after reading a horror story, you should pray and ask for His guidance.
>
"Mommy! Tignan mo 'to." sabay ipinakita ni Alice ang isang manika, it's a Minnie Mouse stuff toy to be specific. Naistretch pa ng limang taon na bata ang kanyang mga kamay para lang ipakita sa kanyang nanay ang napakagandang manika para sa kanya. Mukhang bago ito at walang kasira-sira, parang regalo talaga ito sa kanya. "Binigay sa akin no'ng matandang babae na `yun oh." Sabay nguso sa isang direksyon. Napakacute tuloy niyang tignan habang nakapout ang kanyang nguso.
"Honey, don't talk to strangers! Saka ang panget panget naman ng manikang `yan, gusgusin na saka tagpi-tagpi na. Ayokong iuuwi mo `yan! Maliwanag?!" sermon ng kanyang ina. Hindi maipaliwanag ni Alice ang sinabi ng ina. Napakaganda naman ng manika, mukhang bago pa nga ito eh pero bakit ang sinabi niya ay gusgusin na ang manika? Maaari kayang siya lang ang nakakakitang malinis ito?
"Ma! Ok naman ang manika para kay Alice eh. Mukha namang bago. Maganda siya at alam naman natin na favorite ng Alice si Minnie Mouse." Singit naman ni Aldrich, ang pitong taong gulang na anak din ni Beth. Mukhang malinis din ang pagkakakita nito sa manika. Nakita ni Aldrich ang pagnguso ni Alice at tinignan niya ang direksyon na `yun pero wala siyang nakitang matandang babaeng nandoon. Naisip na lang niya na baka hindi niya ito inabutan sa direksyon na `yun.
"Bahala nga kayo. Ang kukulit niyo." Inis na sabi na lang ng kanilang ina na si Beth. Pwedeng pinagtitripan lang ni Aldrich si Alice kasi mahilig itong mang-asar. Hindi maintindihan ni Beth pero parang masama ang kutob niya. "At huwag niyong ilalapit sa'kin `yan."
"Yey!" masayang sigaw ni Alice at isinayaw pa ang manika habang umiikot. Ayaw din nilang nagiging malungkot si Alice, parang nakikita kasi ni Beth ang sarili dito noong bata pa siya. Si Aldrich man ay natutuwa sa kanyang kapatid dahil napakamasayahin nito, nakakahawa. Si Alice ang sigla nilang buong pamilya kaya kapag malungkot si Alice ay napakatahimik ng aura nila.
>
Inuwi nga nila ang manika, doon napag-isip-isip ni Beth na parang pamilyar ang manika sa kanya. Parang nakita niya na ito dati, hindi lang niya alam kung saan at kailan. Inisip na lang niya na deja vu ang lahat. Malamang imahinasyon lang niya ito dahil lagi niyang sinasamahan manood ng cartoons si Alice.
"Mommy, can I watch it again?" Hiling ni Alice with matching sparkling eyes.
"That again," sabay kuha nito sa DVD ng Disney. "Napanood mo na `yan ng maraming beses eh."
"I want to watch it with Minnie saka ipapakilala ko siya kay Mickey Mouse. Tapos, titignan ko din kung kamukha niya talaga `yung nandyan." Habang sinasabi ito ni Alice ay hindi makatingin si Beth sa manika. Natatakot siya sa ngiti nito.
Muli, sinamahan niya si Alice na manood pero dahil paulit-ulit na ito ay parang nagsawa na siya. Alam na niya ang mga susunod na pangyayari at kaya pa niya itong ikwento sa kanyang anak ng sunud-sunod ng walang mali. Kung may patalastas lang ito ay kaya rin niyang hulaan ang kasunod.
15 minutes lang ang favorite episode ni Alice dito at iniiwan na lang niya ang palabas pagkatapos ng episode na `yon. As usual gano'n nga ang ginawa ni Alice, expected na rin ni Beth ito kaya paglabas ni Alice dala si Minnie ay pinatay niya ang TV.
Bzzzzt...
Sumindi muli ang TV pagtayo niya at nagplay ang isang episode kung saan si Minnie ay nahulog sa hagdan. Napalingon si Beth pero hindi na umupo. Hindi buo ang scenario dahil noong magplay ito ay nahuhulog na si Minnie sa hagdanan. May dugo sa noo nito na tumutulo. Ang nakakaawa at sabay na nakakatakot ay ang posisyon nito dahil ang kaliwa nitong kamay ay bali habang ang kanyang mukha ay parang nakatingin sa'yo na parang humuhingi ng tulong. Gusto mo man siyang tulungan ay hindi mo magawa dahil sa nasa loob lang siya ng kahon na tinatawag na TV.
Maya-maya ay narinig ni Beth ang tili ni Alice. "Moooooommmyyyyyyy!!!"
Dali-dali siyang tumakbo dahil bihira lamang tumili ng ganoon si Alice, baka kung anong aksidente na ang nangyari. "Honey what's wrong?" dinatnan niya itong masayang naglalaro sa tabi ng hagdan.
Madali namang napalingon si Alice. "Ah, wala mommy. Natakot kasi ako, parang may galos kasi kanina si Minnie sa noo. Akala ko lang pala." Pagtingin nila sa noo ng manika ay wala naman itong gasgas sa paningin ni Alice pero sa paningin ni Beth ay meron. Tinignan din niya ang kaliwang kamay nito at nakitang may tagpi ito doon na wala noong una nilang makita pero sa mga mata ni Alice ay maganda at maayos pa itong manika.
"Give me that doll," pag-agaw ni Beth sa manika.
"Mommy, saan mo dadalin si Minnie," habang hinahabol ng bata ang kanyang ina. Mabagal pa itong tumatakbo para lamang mahabol ang mabilis na paglakad ni Beth.
Nang nasa labas na siya ng pinto ay parang pamilyar sa kanya ang hagdan nila dito kaya napatigil siya. Semento ito na parang `yung hagdan na pinaghulugan ng manika sa TV. Kanina lang ay hawak niya ang manika pero ngayon ay wala ito sa kanyang mga braso. Walang anu-ano ay nakaramdam siya ng mahinang pagtulak mula sa kanyang likod dahilan para magstep siya ng isa sa hagdan. Dumulas ang kanyang paa at sinubukang habulin ang pagkapit sa hawakan pero nahuli siya. Patalikod siyang bumagsak sa hagdan una ang kanyang kaliwang kamay kaya nabali ito. Kita rin niya ang tumulak sa kanya, walang iba kundi ang manikang Minnie Mouse, bago siya gumulong sa hagdan at magkaumpog-umpog ang kanyang ulo.
"Haaah!" singhap niya paggising. Nakatulog pala siya sa panood ng kanyang anak. Nasa 30 minutes din siyang nakatulog at nandito pa ang kanyang anak, kalaro ang Minnie Mouse na stuff toy, habang kasalukuyang nagpplay ang DVD.
Agad niyang kinapa ang kanyang noo at hinagilap ang sugat sa kanyang kaliwang kamay pero walang bakas ng anuman kundi pawis. Tinignan niya uli ang manika, gusgusin ang itsura nito pero niyayakap ito ng kanyang anak. Nagtataka siya. May mali sa manikang ito.
>
It's the worst time na hindi umuwi ang asawa ni Beth dahil kinabukasan ay hindi na normal ang nangyayari sa kanila. Bago matulog ay sigurado siyang napatay niya ang TV pero ngayong umaga ay nakabukas ito. Wala naman siyang narinig na kaluskos noong nagdaang gabi kaya nagtataka siya kung bakit ito bukas ngayong madaling araw.
Nakakatakot ang tunog na ginagawa ng TV na walang palabas, yung gasgas lang na channel. Tapos napakatahimik ng paligid mo at tanging `yun lamang ang iyong naririnig. Nilapitan niya ang TV at sinubukang i-off. Napaatras siya nang biglang nagflash ang puro puting palabas. Parang iniilawan siya ng flashlight sa sobrang liwanag. Maya-maya ay luminaw na ang imahe at nakita niya ang manikang Minnie Mouse na nasa gitna ng daan.
This time, sinugurado niyang hindi siya nananaginip. Pero matapos ang tatlong segundo ay namatay rin ang TV. Walang nagpatay, walang pumindot ng switch, meron namang kuryente at walang ibang tao siyang kasama. Maya-maya ay may dumaan sa pinto, maliit na bagay lang ito na parang pusa ang laki. Dahil na rin sa curiousness ay sinundan niya ang nakita niya kahit may posibilidad na imahinasyon lang nila yun.
Nakita niya itong sumuot sa ilalim ng mesa, ngayon kumpirmado na siya na tunay ang nakita niya. Sinundan pa rin niya ito, at laking gulat niya ng bumungad sa kanyang mukha ang stuff toy. Tapyas ang tagping bahagi ng kaliwang pisngi nito. Dahil sa gulat ay dumiretso sa mukha niya ang manika sa pagtumba nito at naging dahilan para matumba din siya. Hindi siya tumitili kahit gusto ng lumabas ng kanyang tonsil sa pagpigil ng pagtili sa sobrang gulat. Ayaw niyang magising ang kanyang mga anak.
Napatingin siya sa mukha ng manika, may bungo ito kaya napahagis na lang siya habang hingal na hingal na nakasandal sa pader. Buong tapang na lang niyang hinanda ang sarili para sa anumang pwedeng mangyari. Pagtayo niya ay napatingin siya uli sa manika, wala na ang bungo. Bumalik ito sa pagkagusgustin niyang kanyang itsura. Baka imahinasyon lang niya pero pakiramdam niya kaya pa ba?
>
Dali-dali niyang niluto ang kanilang almusal at hinintay na magising si Alice. Pinulot rin niya ang manika at ibinalik sa tabi ni Alice. Agad namang niyakap ni Alice ang manika.
`Di nagtagal, papasok na sila sa eskwela. "Mommy, pwede ko bang dalin si Minnie?"
"Hindi pwede. Masisira kapag nilagay mo na dyan eh," sagot niya at inilapag ang manika sa sofa.
"`Ma alis na kami," paalam ni Aldrich.
Parang nagdadabog na tumakbo papunta sa pinto si Alice. Alam naman niyang may mga bagay dito sa bahay na hindi niya pwedeng ipilit. Dali-dali namang buhat ni Beth ang mga bag ng anak. Kawawa ang may dala ng mga ito dahil sa laki parang kalabaw kang may pasan na maraming gamit. Nakakabilib maging nanay eh, kailangan mong maging maid at helper ng sabay.
"`Ma may naiwan lang ako," ani Aldrich.
"Bilisan mo."
Pagbukas ni Beth ng pinto palabas ay nakita niya si Alice. Napabitaw si Beth sa mga dalang bag nang makita si Alice. Hawak `yong Minnie Mouse na manika na tumatawid sa highway sa tapat nila. Dati-rati sila pa ang sabay-sabay na tumatawid doon dahil minsan ng may nangyaring eksidente rito pero ngayon ay nauna siya. Nasa gitna ng highway si Alice nang tumigil sa gitna na parang kinakausap ang manikang Minnie Mouse. "Huwag ka diyan delikado dyan. Sumama ka na lang sa'min," sabi nito habang nakaharap sa manika.
"Alice! `Wag ka dyan! Tawid ka na dito iwanan mo na `yan," sigaw ni Beth habang palapit sa kanyang anak.
"Mommy, ayaw akong bitawan ni Minnie... ang bait bait pa naman niya. Baka mapahamak siya dito," sagot ni Alice.
"Hayaan mo na dyan yan!" ang alam ni Beth ay bubuhatin lamang ng bata ang manika pero nang makita niyang parang nahihirapan itong umalis ay napatakbo siyang muli. Tinangka niyang buhatin ang manika pero sobrang bigat nito na para bang poste o mabigat na bagay na nakafix doon. Binuhat na lang niya ang kanyang anak at biglang nagflashback ang mga nangyari noon.
>
"Mommy! Tignan mo 'to," wika ng isang magandang batang babae. Siguro ay nasa edad 10 years old raw, hawak ang isang laruan at ipinapakita sa magulang.
"Beth talk to strangers! Saka ang panget panget naman ng manikang `yan, gusgusin na saka tagpi-tagpi na. Ayokong iuuwi mo `yan! Maliwanag?!" `Yong mga dialog niya kanina d'yan ay parang katulad din ng mga sinabi niya kahapon lang.
"Ma! Ok naman ang manika para kay Beth eh. Mukha namang bago. Maganda siya at alam naman natin na favorite ng Beth si Minnie Mouse." sabi naman dito ng kanyang ama.
Walang anu-anu ay biglang nailipat ang scenario, naalala niya ang mga panahon bago pa mamatay ang kanyang ina. "Mommy, pwede ko bang dalin si Minnie," tanong ng batang Beth.
"Beth! `Wag ka dyan! Tawid ka na dito iwanan mo na `yan," mahinahong sabi ng ina ni Beth.
>
Biglang naalala ni Beth kung paano namatay ang kanyang nanay, ang lola ni Alice. Napatay ito sa bangga ng isang kotse habang inililigtas siya sa gitna ng mismong highway kung nasaan siya ngayon. Naalala niya kung paano pa niya naging favorite ang Minnie mouse noon. Lahat ay bumabalik, ang mga alaalang itinago niya sa kanyang sarili para manatiling masaya ay nakawala.
May natanggap din siyang manika ni Minnie Mouse noon at kahawig ito ng manika ni Alice ngayon. Alam niya kung paano sila napunta sa gitna ng highway. Hinila siya ng manika na para bang nagsasabing "Samahan mo ako, dito may makikita kang nakakamangha." Maglalakad ka pagdating sa gitna ng daan ay bigla na lamang bibigat ang manika kaya babagsak ito at hahawakan ang isa mong kamay. Hinding-hindi ka nito pakakawalan hanggang sa may isang kotse ang bumangga sa kanila sa gitna ng daan.
Ngayon lang niya naalala ang lahat kung kailan, siya na mismo ang nasa sitwasyon. Kung kailan nakahandusay na siya sa aspalto at unti-unting tumutulo ang dugo. Ramdam niya ang pagtulo ng dugo na para bang dahan-dahang inuupos ang kanyang buhay. Napangiti siya nang maalalang yakap siya ng kanyang ina noong mamatay ito gaya ng ginagawa niya ngayon sa walang malay na si Alice.
Kita sa gilid ng mga mata ni Beth na may isang matandang babae ang dumaan at kinuha ang manikang Minnie Mouse, may lamat ang kaliwang bahagi ng mukha nito at may bungo. Ito na nga ba ang senyales ng kanyang kamatayan? Tinignan lamang siya ng matandang babae at nilagpasan sa daan. Kasunod na ito ng napakaraming mga tao na gusto ng tumulong. Inistretch ni Beth ang kanyang mga kamay upang ipakita sa mga tao ang kanyang napakagandang anak na si Alice.
Kita ni Aldrich ang buong pangyayari mula sa TV dahil kusang bumukas ang TV pagbalik niya at ipinalabas ang buong pangyayari mula dito. Napatakbo na lang si Aldrich nang makarecover. Kita sa TV ang isang tragic na pangyayari sa isang pamilya, napakagandang panoorin. Hanggang sa magflash muli sa TV ang mukha ng Minnie Mouse stuff toy na may bahid ng dugo ang kaliwang bahagi ng mukha.
~enD
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.