Showing posts with label inspiring. Show all posts
Showing posts with label inspiring. Show all posts

Monday, August 05, 2013

Si Loonie Langgam at ang Modernong Teknolohiya



"Tag-ulan nanaman at namimili nanaman ang mga tao ng ipapangalan sa mga bagyong darating. Kung pwede lang ay mga pangalan ng mga kinamumuhian nilang pulitiko ang mga ibibigay nilang mga pangalan." Inaaccess ngayon ng isang tao ang kanyang bagong computer at inaabangan ni Loonie ang balita mula sa atin, sa PAGASA nating mga tao. Hindi man nila maintindihan ang ating mga salita pero nakagawa ng paraan si Loonie kung paano maiintindihan ito ng kanyang kapwa langgam. 

Sunday, August 04, 2013

Alaala


Parang letchon na buhat ng isang ama ang anak niyang pasaway sa kanyang balikat. Kita sa mga mata nila na masaya sila basta kasama nila ang isa't-isa. Nakangiti ang dalawa na halatang nag-aasaran. Nasa edad sampu na siguro ang bata habang ang tatay ay nasa kulang-kulang na 40 sa itsura. Maganda pa sa isang kumekembot na tsiks ang scenariong ito para sa akin habang naglalakad ako pauwi.

Thursday, March 28, 2013

Pitong Simbahan



Kung pitong simbahan lang ang kailangan,
Upang ika'y akin ng mahawakan,
Pupuntahan ko ng walang alangan,
Kung ito lamang ang tanging paraan.

Ang pitong simbahan ba ay sapat na,
Upang `pagdasal na makasama ka?
Sabihin sa iyo ng buong puso,
Mga panalangin ko sa simbahang 'to.

Mahal na mahal kita aking Ama,
Patawad sa aking mga nagawa,
Kasalanang gawa dito sa lupa,
Nawa'y maiwan `pag ako'y wala na.

Gusto kong mapalapit sa'yo oh D'yos,
Maging kaibigan mo `gang pagtatapos,
Kahit ako dito'y naghihikaos,
Puso ko'y sa iyo hanggang maubos.

Kulang man sa'min ang pitong simbahan,
Milyon-milyon kaming nangangailangan,
Alam ko, kami'y Inyong ginagabayan,
'Di nagsasawa na kami'y biyayaan.

Salamat sa lahat ng pagpapala,
'Di sayang ang Visita Iglesia,
Dahil Inyo akong naririnig,
Kahit pipi ang aking bibig.

Friday, March 01, 2013

Lando: Ang Taong Grasa



"P*tang ina!!!" sigaw ni Tarzan este nung isang lalakeng hindi ko kilala pero lagi kong nakikita. Da hu?!

Hindi na siya pinansin ng mga tindera sa stall ng Buko Express, Minute Burger at ChooksToGo pero ang mga taong dumadaan ay hindi pa rin naiwasang mapatingin sa kanya. Akala mo kasi may kaaway o kaya ay may rambol na magaganap ngunit paglingon mo ay bigla na lang siyang magtatambling matapos sumigaw.

Tuesday, August 28, 2012

Manhid Na Ata Ang Ari Ko


"Magkano ang usapan?"

Lungkot at luha sa aking mata ay nakaukit,
Isip ay ginugulo ng sensasyong nakaipit,
Unti-unting nagustuhan, tinatanong kung bakit?
Hanap kong pagmamahal hindiko na makakamit.

"Pumasok na ba?"

`Di ko namalayan na ang aking pinagplanuhan,
Sa isang kisap mata'y nawala na ng tuluyan,
Taong inalagaan para sana'y sa asawa,
Ngunit ako'y nabigo, aking sarili'y nasira.

"Teka lang, nangangawit ako."

Mga ala-ala ng pasakit na aking dinanas,
`Buti pa ang larawan at maong ay kumukupas,
Ganoon pala ang pakiramdam ng hinahalay,
Konting-konti na lang ay gusto mo ng magpalamay.

"Sige lang. Sulitin mo ang binayad mo."

Pangangailangan ng buhay sa akin ay nag-udyok,
Wala ng mawawala kaya't tinanggap ang alok,
Sariling ligaya't pangarap tinapos sa tuldok,
Ng salapi ng lalaking hayok na hayok.

"Sa uulitin"

Tuluyang nahulog sa dilim at lalim ng bangin,
Ito'y naging bisyo't propesyon sa aking paningin,
Puso't ari'y manhid at tanging pakikipagtalik,
`Di maiwasan, buhay ko'y dito na nakahalik.

Saturday, August 18, 2012

Buhay o Mga Buhay

"Nay! Dito maraming bote saka plastik na baso." pagtawag ni Nilo sa kanyang ina.

"Dalin mo dito nak, mukhang may pambili tayo ng masarap na pagkain mamaya." masayang tugon ni Aling Rita sa anak.

"Nay oh! May pera pa ata." sabay abot ng papel na kulay dilaw at may nakasalong-baba na taong nakadrawing dito.

"Anak..." gulat na tugon ni Rita. "Limangdaan ito." pagpapatuloy niya.

"Marami po ba tayong mabibili dyan?" inosenteng tanong ni Nilo.

"Oo. Salamat po Diyos ko." maluha-luhang sabi ni Rita.

Si Nilo ay lumaki sa lansangan kasama ang kanyang ina na si Rita. Nabubuhay lamang sila sa pamumulot ng basura, bote at bakal. Sa edad na walo ay hindi pa siya nakakatuntong ng isang hakbang sa kanyang pag-aaral. Tanging si Rita lamang ang nagtuturo sa kanya. Gamit ang mga napupulot nilang lapis at papel, naturuan siya ni Rita kung paano sumulat. Dahil sa lansangan sila namamalagi ay naturuan din siya nitong magbasa, tagalog pa lamang ang kaya ni Nilo kasi nahihirapan siya sa ingles. Ngunit mabilis matuto si Nilo, malayo ang mararating ng bata.

Saturday, August 04, 2012

Dance With My Father

Paano ba talaga maging ama? Ang maipangako sa sarili at sa Diyos na ipagtatanggol ang pamilya sa lahat ng pagkakataon? Ang maging haligi nitong tahanan at panindigan ng buong puso at dugo ang pagmamahal sa pamilya?

~~

Saturday, June 09, 2012

Un-owned

This story is based on true to life fiction. All characters are real in our imagination. Reading this story will make you live in your dreams not in this world. Make sure to get back from the other dimension to your home. Thank you.

Sunday, April 15, 2012

Face Down


My name is Zen, it’s our first anniversary of my boyfriend I love. I bought him this couple mug as a gift. I don’t know if he will like it. “Happy First Anniversary honey!” I said while he’s busy browsing pictures from his lappytoppy. I glanced and he quickly closed it, “Its my privacy. Oh what’s in it? Tell me.” he said after. I handled him my gift while I’m staring at somewhere. I can’t be wrong, I saw a picture of him with a girl. “Hey. Honey, is there something wrong?”
“Let me see!” as I grabbed his Apple from his lap.
“Hey! Be careful!”
“Who’s this?” I asked pointing at the girl in the monitor.
“She’s a friend.”
“A friend? A friend who hugs you and acts to kiss you?”
“Why are you acting like that?! It’s just a picture! She is just my friend. You’re so insecure! The f*ck!” he said and threw his gift away. He always acts vigorously when I accuse him. He shows a robust voice and attitude, it makes me feel frightened. “You don’t need to hug her, you know you have me as your girlfriend! You’re just fooling me!! You’re playing…” I haven’t completed my last sentence, he slapped me like the previous time we argue. “You shut the f*ck up! Think of whatever you want! If you wanna leave me? Go!” he said while pointing his finger in my forehead. I haven’t said any words after his dirty hands touched my pretty face, I just cried. Cried the pain in my heart but it doesn’t heal. It can’t relive the pain I feel. He leaves me alone, sitting in this room after I gave to him everything I have. Should I have to leave him? He made me cry. It’s our anniversary today. The early days of our relationship was great. He makes me laugh everytime I feel down, he is always there whenever I needed him, he helps me even I didn’t called him, he’s so kind but after the night we had, I gave him my tightness, I trusted him my first blood, he changed like climate with no reason. Is he just using me, my body? You think he loves me? I can’t break up with him, I don’t wanna leave him. I love him.
>
“Hey sis, you put too much make up.”
“Really?” looking at the mirror, searching for the bruise in my face. “It’s not much, it’s just enough.” enough to cover my fears, my sorrow.
“Does your boyfriend hurt you again?” Carla said. I’m quite surprised she knows what I hide beneath this armor I’m trying to hide.
“N-no.” I murmured.
“Zen, look. I know that you’re hiding your pain and sufferings from your beloved. You need to open your eyes from your nightmare and wake your soul up. You aren’t happy anymore, you’re suffering! I am saying these because I care for you, I don’t wanna see you crying. It hurts me too.” she dramatically stated her feelings. Should I listen to her?
“Thank you. I’ll think about what you said.” she hugs me tight, I can feel the worry in her heart, the helping hand rubbing my back. I can’t keep pretending I’m okay, my tears fell as my lonely heart felt love for a long time ago.

>
“Sorry hon, I accused you. I should have trusted you. I’m sorry. I love you, it’s still our anniversary right? Happy anniversary.” I approached him at his place and apologize. “Its ok.” he whispered in my ear and kissed me there. It tickled while I felt his breathe in my ear. He kissed me down to my neck, and down to my cleave. Am I doing right? My head is spinning, I can’t think straight. I can’t feel my knees anymore, I feel weak. “I love you.” he whispered and kissed my lips, I kissed him back. I’m totally falling for his trap, I know it but I can’t resist. “I trust you, I love you too.” I said after a breathe taking French kiss. I can’t leave him, I’ve given him my virginity. I’m afraid who will be accepting me if they knew I wasn’t fresh anymore. And I truly love him.
He grabbed me and carried to his room. I lay down on his bed, waiting him what will he do. He caressed me and made my body arc. It’s happening again, is it still right? Am I going to let him do it to me one more time? I feel anxious about this, but it feels good. I search for something to hold on, I end up holding his blanket. Something’s underneath, it’s a girl’s underwear. He saw me and he stopped, “What is this?!” as I showed to him what I’ve got. I also saw blood stain in his sheet. “And this?!” He tried to kiss me but I refuse. “Answer me!” I shouted but he pushed me and pursued to kiss me. He tried to undress me so I slapped him and run out of his house, crying. “He is with a b*tch!” I shouted to myself. He caught me before I opened the door. He pushed me on the wall and held my shoulders, “Let me go!” “Listen to me. I love you. That was my sister’s underwear, and the blood stain was mine.” he said. “No! Let me go!” and he slapped me and act to punch me, “Do it! Hurt me more! You love me huh? Hurt me! Push me! Slap me! I love you, but I had enough.” he released my shoulder and let me go. He’s hurting me, does he feel like a man now? I love him, but it’s not right.
There are people who loves me, wherefore should I hold onto him? I can live without him. I just need to be realistic. I know, at the time of the Lord, He will show me the right man; the person who deserves my love, who will value me for who I am. Someone who will love me completely.

Thursday, March 15, 2012

Mag-gragraduate Ako 'Ma



Isang maulan na umaga, araw ng lunes. Nagmamadaling pumasok sa school si Oliver dahil maleleyt na siya sa pagpasok. Si Oliver ay isang top student sa klase nila. Elementary pa lang, proud na proud na sa kanya ang mga magulang niya at ngayong malapit na siya magtapos ng highschool ay may maipagmamalaki na ang kanyang magulang. Siya nga pala, ulila sa ama si Oliver dahil ipinagpalit sila nito sa Koreana. OFW ang ama pero hindi na umuwi, dalawang taong gulang pa lamang siya noon. Si Aling Maria, ang ina ni Oliver, ang tanging nagpapaaral sa kanya. Nairaos niya ang pag-aaral nito sa pagtitinda sa palengke. Napakasipag at napakabuting ina ni Aling Maria. Napapahiling na lamang ang kanyang mamimili na sana, siya na lang ang nanay nila. Napakaswerte ni Oliver kay Aling Maria.


Saturday, July 09, 2011

Busy Ako

[Story was inspired by another story. Sorry for any resemblance or similarity on the story.]

Once upon a time, may mag-ama na nakatira sa isang bahay. Maayos naman ang kanilang pamumuhay kahit dalawa lamang sila sa tahanan. Si Alvin at ang ama na si Ben. Si Ben ay nagtatrabaho sa isang kumpanya, mataas ang posisyon nya dito kaya busy siya lagi. 10 taong gulang lamang si Alvin mag-isa na niyang inaasikaso ang kanyang sarili. Marunong na siyang magsaing, magpirito ng ulam, maglaba at mag-isa din itong gumagawa ng assignment.

One day, este one night pala, "Ang tagal naman ni Daddy." pupungay pungay ang mata nito saka hinikab ng malalim. Nakatulog si Alvin sa paghihintay sa ama. Ginabi nanaman ito dahil sobrang busy. Nakahiga sya sa sofa na dinatnan ng ama. Binuhat ni Ben si Alvin at hatid sa kanyang kwarto. "Dad, kain kna. Mmm."sabi ni Alvin. Napatingin si Ben sa anak, akala niya gising ito. Inihiga nya ito sa kanyang kwarto at kinumutan. Hinaplos pa nito ang noo ng anak bago iniwanan.

Nakita ni Ben na nakahanda na ang hapunan, Century Tuna w/ Omega 3 ang ulam na may sawsawan na kalamansi. Handa ito ni Alvin. Pagkatapos kumain ay natulog na ito dahil na din sa pagod sa trabaho. Nakatulog sya agad.

..

Maagang umalis si Ben, di na nito nagawang mag-almusal. Dali-daling lumabas ng bahay. Nagising si Alvin sa pagkasara ng pinto. Kaaalis lang ng ama, hindi nanaman sila sabay kumain. Miss na miss na nya ang daddy nya, ngayon, mag-isa nalang sya uli. Gaya ng araw-araw nyang ginagawa, ihinanda nya ang pagkain at naglaba ng kanyang mga damit. Pagkatapos ay lumabas sya ng bahay para maglaro, bata eh.

...

"Ring.! Ring!" tunog ng phone ni Ben habang nasa isang meeting. Dahil sya mismo ang nagrereport, ayaw nya maistorbo. Ang ginawa nya ay inioff ang phone. Hanggang matapos ang meeting, tinignan nya kung sino ang tumawag. Si Aling Editha pala, dati rati kung tumawag ito kay Ben ay naniningil ito ng utang dun sa sari-sari store nito. Akala mo naman napakalaki ng utang ni Ben dito, eh halos sampung piso lang naman noong kumuha sya ng yosi.

Binalewala lang ni Ben ang tawag na ito. 9pm ng gabi ng mkauwi sya, hinihintay sya ni Alvin sa may pintuan.

"Dad, pwde b akong magtanong?" ani Alvin.

"Oh sige, ano un?" sbi ni Ben.

"Magkano ang kita nyo sa isang oras?" tanong ni Alvin.

"At bakit mo naman tnatanong? Wala kna don!" biglang nag-init ang ulo nito.

"Dad gusto ko lang sana malaman, kung pwede.." maamong sabi ni Alvin.

"Kung kailangan mo talagang malaman.." nag-isip pa si Ben. "Sa isang oras siguro, 200pesos ang kita ko."

"Ay, ganon po ba..." sabi ni Alvin na para bang nalungkot at yumuko ang mukha. Tapos may naisip syang idea at nagtanong uli, "Dad pwede ba pahiram ng 100pesos?"

Sa puntong ito, naisip ni Ben na may gusto lamang na bilhin na laruan si Alvin. Uminit uli ang ulo nya. "Bata ka! Kung hihingi ka lang ng pera para sa mga walang kwenta mong laruan, mabuti pa lumakad ka dyan at matulog ka sa kwarto mo. Pagod na pagot ako sa trabaho para lang sa mga luho mo? Sige! Tulog!"

Malungkot at nakayukong naglakad papunta sa kanyang kwarto si Alvin.


Napag-isip-isip ni Ben ang nagawa. Baka dahil sa pagod ay madali nag-init ang kanyang ulo. Tutal di naman madalas humingi ng pera sa kanya ang anak. Pinuntahan niya si Alvin sa kwarto nito.

"Anak, tulog kna ba?" tanong nito.

"Dad gising po ako." sagot ni Alvin.

"Pasensya ka na kanina ha? Pagod lang si daddy kaya madaling magalit." sabay abot ng 100pesos. "Eto yung hinihingi mo."

"Yehey!" kapagkwan ay bumangon ito at iniangat ang unan. Nakita ni Ben na may mga perang papel ito, parang magagalit nanaman sya ng makita ito.

"Bakit kpa humingi sa akin ng pera kung may pera ka naman?!"

"Ah. Eh. Dad kulang po kasi kanina. Ngayon kompleto na." sagot ni Alvin habang binibilang ang mga papel na pera.

"Para saan ba yan?" tanong ng ama.

"Dad, ngayon meron na akong 200pesos. Pwede kba umuwi bukas ng maaga? Gusto kasi kita kasabay maghapunan..." nakangiting sabi ni Alvin habang iniaabot ang pera sa ama.

Kumurot sa puso ni Ben ang mga katagang sinabi ni Alvin. "Alvin, anak, pasensya kna kay daddy. Dahil puro trabaho ang inatupag nya. Hayaan mo, mula ngayon uuwi na ako ng maaga. Sabay pa tayong magluluto." Nang akmang yayakapin na nya ito, tumagos lamang ay yakap nya. Nahulog ang mga pera sa kama ng bata. Laking pagtataka nya.

TOK! TOK! TOK!

Kahit di pa sya nakakabawi sa biglang paglaho ng anak sa mismong harapan nya, iniwan muna nito ang kwarto dala ang mga pera.

"Oh! Aling Editha, napasugod kayo ng ganitong oras ng gabi?" gulat na tanong nito.

Di agad nakapagsalita si Editha. "Bakit ho?" tanong uli ni Ben.

Napabuntong hininga na lamang si Editha. "Naaksidente ang anak mo."

"Ha?!" laking gulat ni Ben dahil kanina lang kausap nya ito bago...

Hinawakan ni Ben si Editha sa balikat at inaalog ang katawan. "Anong nangyari kay Alvin?! Anong nangyari sa anak ko!!" maluha luha nyang tanong.

"Kaninang alas otso, pauwi na sya matapos humingi ng bente sakin at Pancit Canton.." hindi rin maipaliwanag ni Editha ang nangyari dahil umiyak na ito.

"..Nabangga sya ng tricycle dahilan para matumba sya at tumama ang ulo sa isang matulis na bato. Tinawagan kita agad pero di mo sinagot. Dinala namin sya sa ospital, pero Dead on Arrival na daw."

Pagkatapos nito ay lumabas si Ben at nagtatakbo sa daan papunta sa ospital. Naiwan si Editha na umiiyak na lang. Napakabait ni Alvin at malapit din ang loob nya dito.

Pagdating sa harap ng tindahan ni Aling Editha, may bakas ng dugo ang daan. Napakarami. Sa kabilang kalsada, nandoon si Alvin, hawak ang Pancit Canton na binili.

Tatawid si Ben upang lapitan ang anak, "Alvin...anak ko...sorry.." nang isang malaking trak ang napakabilis ang takbo ang bumusina.

_END


Ang mga kumpanyang pinagtatrabahuhan natin ay madali tayong mapapalitan kapag tayo ay nawala. Makakakuha sila ng higit din sa atin. Pero pag nawala tayo, ang pamilya at malapit na kaibigan din natin ang sobrang malulungkot at masasaktan. Sila, nakikiramay lang.

Kaya sana, kahit gaano tayo kabusy. Di natin nalilimutang bigyan ng sapat na oras ang atin mga mahal sa buhay. Kaibigan, magulang at anak, sila ang magbibigay halaga sa atin at kinalakihan natin. Huwag natin silang ipagpalit sa kahit na anong pinagkakaabalahan natin, bigyan natin sila ng sapat na oras. Pati na rin ang sarili.

Sana nagustohan nyo ang akin maikling kwento. Bow.

-breaker

Thursday, May 05, 2011

Leave Out All The Rest

"Bakit ka umiiyak?" tanong ko. Pero di sumasagot.

Niyakap ko girlfriend ko pero parang di naramdaman ang yakap ko. Napatingin siya sa likuran niya at niyakap ang sarili.

Siya lang ang nandoon.

Umiiyak.

Nang marinig ko ang mahabang tunog,

toooooooooooooooot...

hinanap ko saan galing ang tunog at nakita ko ang isang monitor na nagpapakita ng mahabang tuwid na guhit..

Tumayo si Love ko na parang natataranta. "Nurse! Nurse! Doc!"sigaw niya.

Tinitignan niya ang ECG habang nakayakap sakin nang dumating ang mga doktor.

Kinilala ko ang lugar, nasa ospital ako. 

Binigyan nila ng CPR ang lalake. Napatingin ako sa kama kung sino ang namamatay.

Nagulat ako sa nakita ko.

Ako ang nasa kama.

Tumagal ng kinse minutos ang pagsasalba bago sumuko at umiling ang doktor at mga nurse.

Nag-iiyak si Rhian. Pilit ako ginigising.


"Waaaaaaaaaaahh..!!" nagising ako.

"Panaginip?" takang tanong ko.


Naghilamos ako, nagsipilyo at napag-isip-isip ko, "Pano pag patay na ako?"


Hinanap ko ang pamilya ko pero wala sila. "Oo nga pala, palagi pala silang wala."

Pakiramdam ko wala silang pakialam sakin, di man lang nila ako kinakamusta. Laging wala si Tatay dahil sa trabaho sa construction at agad umaalis pag umaga. Si Nanay naman maaga ding umaalis para asikasuhin ang negosyo namin sa palengke.

"Pano kaya pag wala na ako?"

Pinuntahan ko ang Love ko, ikinwento ko ang napanaginipan ko. 


"Kung may mali man akong nagawa sayo, patawarin mo ako. Kung malungkot ka, isipin mo lang ako. Ayokong malungkot ka. Ikaw lang ang nagmamahal sakin . Mahal na mahal kita Love." madamdaming sabi ko sa kanya.

"Wag mong sabihin yan, di kpa naman mawawala eh. Mahal din kita Love"maluha nyang sinabi.

"Di natin masasabi ang maaring mangyari. Ang gusto ko lang lagi kang maging masaya."

"Basta andyan ka masaya na ako." saka nya ako hinalikan sa labi. Ramdam ko ang pagmamahal nya sakin. Gumanti ako ng halik. Nagyakap kami.

Napakasaya ko at may girlfriend akong katulad nya.

Naglibot kami ng araw na yon. Mall, park, simbahan, pati sa bakuran ng barkada nya.

Napakasaya namin ng araw na un. Hinatid ko na sya sa kanila.

"Salamat sa pagmamahal." sabi ko at hinalikan ko sya sa noo, sa pisngi pagkatapos sa ilong at nagtagal sa labi. Iniwan ko sya na may ngiti sa mga labi.

Nang pauwi na ako, padaan sa isang pedestrian. Napakatahimik ng paligid. Naiisip ko ang napanaginipan ko.

...
Nabingi ako nang bumusina ang napakabilis na bus.


Nakita ko nalang nasa ospital ako, natutulog ang Love ko.

Naalala ko bakit nasa ospital ako,

tumawid bigla ang isang batang naglalaro. Hinabol ko sya at nang mabuhat ko para itabi ay nabundol ako at nawalan ng malay.

Nagising si Love. Naiiyak pero nakangiti, nababaliw na ata.

"Nag-alala ako sayo. Gumising ka na." nilapitan nya ako at hinawakan ang kamay ko.

Pinisil ko ang kamay nya.

Nagkwento sya, "Alam mo sabi ng doktor, di naman nasaktan ang batang iniligtas mo. Ang galing mo daw dahil nailigtas mo ung bata. Nandito kanina ang magulang ng bata. Napakalaki ng pasasalamat nila sayo."pag-aalalang pagsasabi sa akin.

Eto na ata ang panaginip ko. Nang makita na nakalutang ako sa ere. Parang butiki ako na nakadikit sa kisame.

"Oo nga pala, tumawag pala parents mo. Nag-alala sila sayo. Alagaan daw muna kita hangga't di pa sila dumarating. Mahal ka nila Love."

Dumating ang mga magulang ko. Pagdating na pagdating nila kita sa mukha nila ang pag-aalala. "Proud kami sa nagawa mo anak sana sa susunod magingat ka. Busy kami ni Nanay mo, pero lagi kaming nag-aalala sayo."sabi ni Tatay.

"Pagaling kana anak."umiiyak na sabi ni Nanay.

Nakikita ko ang buong kwarto. Malungkot sila at nag-iiyakan.

Niyakap ko bawat isa sa kanila. Unti unting pumuputi ang nakikita ko. Biglang may humihila sa akin paitaas. Pinilit kong bumalik sa katawan ko. Napakahirap. Nakikita ko ang mga mahal ko sa buhay malungkot.

"Waaaaag..! Ayoko pang mamatay..! Ang mga nagmamahal sakin..
Ayoko pa silang iwaaaaan..!"

Imumulat ko ang mga mata ko.

"Ma, Pa, nagigising na si Adrian." ngumiting sabi ng Love ko.

Nagtagumpay ako.


*inspired by the song 'Leave Out All The Rest by Linkin Park'